Marceline : Good eve. May kakilala po ko nagpapatanong,
tinutubuan sya ng bukol sa gilagid. minsan
tumutubo. tapos after a few days, kusa rin
syang nawawala. Then tutubo ulit sya in no
definite time again. Tapos palipat lipat sya.
Minsan nasa upper part ng gums, minsan
nasa lower part. Wala syang permanent part
ng gums na nagsstay sya. Palipat lipat sya.
And masakit daw kasi namamaga sya saka
may parang whitish color sa gitna ng bukol
that seems like nana. ano daw po tawag sa
ganung gum problems? And how to cure?
Ask the Dentist : May kakilala ang kakilala na kaibigan ng pinsan ng kapitbahay ng tambay sa amin na nagpapasagot. Ang unang ipapagawa ng kakilala mo ay magpalinis ng ngipin. Tapos, ipapasta ang kaya pang pastahan. Ipa-RCT o ipabunot ang dapat bunutin. Tapos nun dapat kada anim na buwan, magpalinis ng ngipin ang kakilala mong nagpapatanong. Malamang na combination yan ng katamarang pumunta sa dentist, periodontitis at impeksyon ng ngipin.
